Bansa at Wika ng Vietnam

Posted by & filed under Vietnam Travel Guide.

Bansa at Wika ng Vietnam

Ang Vietnam ay hindi bansang pandigma. Isa itong magiliw at mapayapang bansa. Nang matapos ang liberasyon at muling pagkaka-isa “Doi Moi” mula nuong 1986, ang Vietnam ay naging isa nang kaaya-ayang lugar para sa mga turista at kalakalan. Mula sa Hilaga at Timog na bahagi ng Vietnam, marami kang makikitang magagandang kaibahan sa topograpiya, kasaysayan, kultura, at sa mga tao, gayundin sa mga makikita mo sa pali-paligid.

Kapag tiningnan mo sa mapa, ang Vietnam ay nasa gitna ng Timog-Silangan ng Asia at ito ay may hugis na S. Ang Vietnam ay nasa Indochina Peninsula – ang Vietnam ay nalalapit sa China, Laos, Cambodia, East Sea at Pacific Ocean sa silangan at timog. Ang baybayin nito ay may habang 3260 km, at ang lupa nito ay may lawak  na 330 991 sq. na kilometro at ang total na haba ng bansa ay 1650 km mula sa Pinakahilagang dako hanggang sa pinakatimog na dako nito.

May mga dakilang pilosopiya at mga relihiyon na humugis sa espiritwal na buhay ng mga Vietnamese. Ang mga natural na pinagkukunan ng Vietnam ay ang mga magagandang tanawin, mga birheng dalampasigan, nagsisitaasang mga burol at bundok, at  mapapayapang mga ilog at batis. Ang mahabang kasaysayan at nakaka-ibang kultura naman nito ang nagsisilbing karagdagang panghikayat para sa mga bisita na hindi pa nakakarating dito at pati narin sa mga bisitang bumabalik-balik na rito.

Ang populasyon ng Socialist Republic ng Vietnam ay higit sa 80 milyon. Ang urban na populasyon nito ay binubuo ng 19.7. Merong 54 na maliit na etnikong grupo ang naninirahan sa Vietnam. Ang taong “Kihn” ( o Viet) ay ang bumubuo ng 90% ng populasyon. Ang malalaking etnikong grupo naman ay binubuo ng Tay, Thai, Muong, H’mong, Dao ar Khmer.

Ang wikang Vietnamese naman ang pangunahing wika ng bansa, ngunit ang mga salitang Ingles, French, German at Russian ay ginagamit din naman sa kominikasyon sa malalaking syudad nito. Ang wikang Vietnamese ay gumagamit ng mga Latin na titik.

Halimbawa: Xin chào  (hello, magandang umaga)

Kalahatang Impormasyon tungkol sa Vietnam

At dahil simple at madaling na ang pagkuha ng Vietnam visa, bakit hindi mo subukang dumayo sa Vietnam upang matuklasan ang mga tinatago nitong ganda. Ang Vietnam ay isang nakakabighani at magiliw na bansa.


Comments are closed.